Posted on : July 22, 2010
Malugod naming ibinabalita sa inyo na magdaraos kami ng Pambansang Lektyur-Seminar sa Wika at Panitikan sa temang Napapanahong Paglantaw sa Wika at Panitikan at ang 2009 Gabay sa Ortograpiya... sa Setyembre 22-24, 2010, Mini Theater, MSU-IIT, Iligan City, sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang mga dadalong delegado ay mga titser, superbisor, instraktor, propesor, at mag-aaral sa Filipino.
Layuning panlahat ng lektyur-seminar na maibigay sa mga delegado ang ilang mahahalagang isyu sa pagtuturo ng Filipino at panitikan at ang diseminasyon ng bagong gabay sa ortograpiya sa pamamagitan ng lektur at malayang talakayan.
Ano: Pambansang Lektyur-Seminar sa Wika at Panitikan
Petsa: Setyembre 22-24, 2010
Saan: Mini Theater, MSU-IIT, Iligan City
Tema: Napapanahong Paglantaw sa Wika at Panitikan at ang 2009 Gabay sa Ortograpiya
Rehistrasyon: 2,000 pesos
Para sa ibang pang detalye ay maaari kayong makipag-ugnayan kay:
Dr. Marie Joy D. Banawa
Tserman ng Departamento ng Filipino
Tel. Blg. (063) 223-1924; (063) 221-4050 lokal 146; (063) 225-0090 (gabi lamang)
Selfon: 09177266155